Site icon Mindanao Times

Timesman | Bagong karanasan ng pagtulong sa kapwa

monday issue august 10, 2020

By Loreto Tinitigan

 

MAY kasabihan ang ating mga ninuno na “ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa isang malansang isda.”
Kaya sa tuwing sumasapit ang buong buwan ng Agosto tulad ngayon ating ginugunita ang Wikang Pambansa, dapat lang ipaalala sa lahat ng Pilipino ang kahalagahan nito sa ating kasaysayan hindi lamang sa salita at bagkus sa gawa.
At bilang pakikiisa sa mga kapwa ko Pilipino na nagmamahal sa kanyang sariling wika, gaya ng aking nakagawian kapag sumasapit ang buwang ito, ang sulatin ang unang bahagi ng aking komentaryo sa isyu na ito sa pamamagitan ng sariling atin.
Sabado ng hapon, naisipan kong pasyalan ang paborito kong Jollibee sa isang malaking mall sa siyudad. Pagsakay ko pa lamang sa elevator ng mall, tinanong na ako ng empliyadang nagpapaandar nito kung saan akong palapag papunta:
“Sir, saan po kayo?”
“Sa Jollibee”
“Kakain kayo?”
“Hindi, take-out lang.”
“Sir, bibigyan mo ako?”
Medyo pabiro ang tanong niya, pero sinagot ko ang empliyada ng “bakit hindi!”
“Salamat, Sir” ang muling sagot niya nang makarating kami sa ikatlong palapag ng gusali. Dito naisip kong hindi na siya nagbibiro.
Ilang minuto sa pagbabalik kong muli sa elevator, ang empliyadang ito parin ang nagpapaandar nito.
“Sir, sa ground floor kayo?”
“Oo, ikaw ba yung humingi ng pagkain sa aking kanina?”
“Oo, Sir. gutom na kasi ako, wala pa relyebo ko.”
Tatlo lamang ang makasasakay ng elevator –ang operator at dalawang pasahero lamang dahil sa ipinatutupad na “social distancing” sa kasalukuyan. At sa pagkakataong yaon, isang empliyada parin ng establisyemento ang naging kasakay ko.
“O, eto ang hinihingi mong pagkain, isang paa ng manok, isang kanin, at baso ng coke.”
“Uy! ang bait mo naman, Sir.”
“Okey lang, ibinabahagi ko lang sa mga nangangailangan ang biyayang ibinibigay NIYA sa akin ngayon.”
Samantala, ang isa pang empliyada na kasakay ko ay nagsabi naman:
“Sir, very generous ka naman, magpatuloy nawa ang biyayang tinatanggap mo ngayon.”
“Salamat!”
Ibinabahagi ko ang bagong karanasan kong ito sa aking mga mambabasa hindi para magmalaki at magyabang kung hindi upang iparating sa lahat na kahit sa kaunting tulong na pagkain, kahit papaano, makatulong at makapagpaligaya tayo ng mga nangangailangan, higit sa lahat sa panahong ito ng COVID-19.
Pagdating ko ng bahay at ikuwento sa anak kong si JL ang bagong karanasan sa paglabas ko ng bahay, wala siyang ibang naging sagot kung hindi: “Dapat lang dahil isa rin silang frontliners sa ating laban ngayon.”
-o0o-
Adult Filipinos’ trust in the United States dropped at 60 percent in the first half of 2020 while only 22 percent of Filipinos have expressed “much trust” in China against 58 percent who said they have “little trust” in the country, according to Social Weather Stations (SWS) latest survey in net trust rating.
Sixty percent to me is still a good figure as this is more than half of ten. It also shows that majority of the Filipinos still value the many good things the Americans have done for us especially their respect for our country’s sovereignty.
But China has a lot of soul-searching to make to get back that dwindling trust of the Filipinos after its expansive claims over the entire South China Sea, not to mention the involvement of many of its goons in illegal activities – drugs, smuggling, kidnapping, gambling, prostitution, just name it, they have it – committed in our country.
And I believe that because of China’s military superiority over us and admission of no less than our Commander –In- Chief when he was quoted as saying that we cannot defend our territorial rights in South China Sea because “I do not want to go to war against a superior power” (It’s a suicide-LDT), and despite the July 2016 arbitral ruling our country won, we only expect China’s bullying of its powerless and poor neighbors to persist.
Ngayon, masisisi ba n’yo na mawala na nang tiwala ang mga Pinoy sa mga Intsik? Hindi ko naman nilalahat, marami parin mga Intsik ang mababait at makatao. Mamalaging maingat sa inyong kalusugan, readers!

Author

Exit mobile version