And who will not think of quitting? After almost 62 years with the TIMES when I started as a lowly janitor in the 60s and rose to become the paper’s editor-in-chief when no one was left to manage the editorial section, and asked by no less the late founder GET to take over.
I retired as general manager in 2000 when a new breed of journalists joined the editorial department.
I think I’ve already proven my unwavering loyalty to the profession, to the management, and to my readers.
From 2000 up to this writing, I’m still serving this pre-war newspaper in my capacity as a column writer.
But all these tiring moments in life and health problems that most of my age usually endure have made it more and more difficult for me to find the urge to write. The trust and confidence of the management and publisher for me to continue serving this institution “until you reached 90” is the only thing that inspires me to move on.
Albert, the ever loyal daily deliveryman of my copy, insists that I should continue writing. He always told me, “Sir, hindi bumibili ng TIMES ang mga suki ko kapag wala ang column mo.”
I told Albert I will write but not on a daily basis, citing my age and health condition. “Okay lang, Sir kahit once a week basta meron,” he said smiling.
And since I missed writing this column in Filipino during the celebration of the Buwan ng Wika last August, I’ve decided to write in the language this time.
Mula’t sapul nang magsimula ang nakamamatay na COVID-19, mahigit dalawang taon na ngayon ang nakalilipas at patuloy na hinahanapan ng lunas ng mga eksperto sa siyensa sa buong mundo, halos naging almusal, tanghalian, at hapunan na lang sa akin ang mga balitang may nagkakasakit at namamatay sa araw-araw dulot ng pandemya.
At ang masakit nito habang lumilipas ang panahon sa ilalim ng nakamamatay na sakit, halos nawawalan na ng pag-asa ang mga tao na mabalik pa sa normal ang ating buhay dahil sa patuloy na pagkabigo na masugpo ang salot.
Sa edad kong ito, wala na akong dapat ikatakot. Kung oras ko na, handa na ako dahil sobra-sobrang biyaya na ang ibinigay NIYA sa akin.
Pero sa aking mga anak at apo na dapat lamang na makamit pa ang mahabang buhay at kasaganaan, kasama na dito ang milyun-milyong kababayan, ako’y nananalig na sana’y malagpasan na natin ang karumal-dumal na sakit na ito na nagpahirap sa mga tao at ekonomiya ng lahat ng bansa sa buong mundo.
At alam niyo ba na dahil sa mainit paring isyu ng politika sa susunod na taon, pansamantalang nakakalimutan natin si COVID dahil sa dumadaming kumikero sa entablado mula sa panig ng mga gustong kumandidato sa halalan.
Bakit kanyo? Sa panahon lang ng eleksiyon natin naririnig at nalalaman ang mga natatagong baho nang marami sa pulitika sa pamamagitan ng kanilang walang humpay na insultuhan at bistuhan ng kasalanan sa mundo ng isa’t isa. Hindi ba nakakatawa? Nai-entertain na tayo, nai-educate pa!
Ang balitang hindi na tatakbo sa pagka pangulo si Mayor Inday Sara dahil hindi gusto ni Pangulo Duterte na magkaroon ng dalawang Duterte sa Palasyo ang siyang dahilan nang di pagtakbo ni mayor.
Pero hindi nakakasiguro ang Pangulo na mananalo siya sa pagka pangalawang pangulo bagamat marami siyang nagawang kabutihan sa loob ng limang taon panunungkulan. Aminin natin matanda na siya at maraming nararamdaman sakit sa kalusugan.
Gusto ng maraming Pilipino na maging masaya pa ang kanyang huling taon sa mundo sa piling ng mga apo hindi tulad ngayon na hanggang sa pagtulog dala niya ang problema ng bansa. Kaya baka hindi na siya botohan pa!
Si Inday Sara hindi tatakbo? Kung naniwala kayo, ako hindi. Hanggat hindi pa pormal na nagdideklara ang COMELEC kung sino sino ang mga tatakbo sa pagka pangulo, huwag muna maniwala kay Inday Sara.
Kung ako ang nasa lugar ni Mayor bakit hindi ko sasamantalahin ang pagkakataon na maging Pangulo kung ito ang gusto ng marami? Sabihin niya lang na handa na siyang palitan ang kanyang ama sa Malakanyang!
Kahit hindi na siya lumabas ng bahay para mangampanya, siya ang tiyak na magiging Pangulo Inday Sara sa susunod na anim na taon! Kakalimutan ko muna si Leni!
(This is my social media account – ldtinitigan @ gmail. com and cell # 09156987421for any comment or suggestion – LDT)