Press "Enter" to skip to content

Timesman | Mabuhay, mga atleta!

Taos-pusong pagbati ng mabuhay ang aking ipinaaabot sa mga manlalarong Pilipino na nagbigay ng malaking karangalan sa bansa sa katatapos na 30th Southeast Asian Games na ginanap dito sa atin sa loob ng labing-isang araw.

At upang maipadama ko sa lahat ang aking tunay na saloobin sa inyong malaking tagumpay, minarapat kong gamitin ang ating sariling wika sa pagkakataong ito para ipakita ang aking pakikiisa sa mga atletang Pinoy sa inyong ipinakitang pagmamahal sa Inang Bayan.

Bagamat hindi masusukat sa bilang ng medalya ang sakripisyong inyong pinagdaanan na nagbigay daan sa Pilipinas na muling makilala ang bansa sa larangan ng palakasan, ako’y umaasa parin na ang ipinangakong dagdag na pabuya – salapi o ano pa man – na sinabi ng Palasyo na ibibigay ay magkaroon ng katuparan sa mga ilang araw na darating.
Sa maraming mahihirap na manlalarong nagtagumpay, hindi lamang papuri at medalya ang mahalaga. Salapi pa rin ang higit sa lahat!

Ang aking pagbating ito sa tagumpay ng ating manlalarong atleta ay hindi magiging lubos kung hindi natin mabibigyan pugay ang pambihirang kabayanihan ipinakita ni Roger Casugay ng Philippine Surfing Team ng kanyang sagipin ang kalabang si Arip Nurhidayat ng Indonesia sa posibleng pagkalunod habang nagaganap ang kompetisyon.
Napag-alaman na nasira ang ankle leash ng manlalarong banyaga na naging dahilan upang siya’y tulungan ni Casugay na hindi inisip sa mga oras na yun na kalaban ang kanyang tutulungan na posibleng sa kanyang gagawin mangahulungan ng kanyang pagkatalo.

Ngunit sa katapusan ng kompetisyon, si Casugay pa rin ang nagkamit ng gintong medalya.

At dahil sa pambihirang ipinamalas ni Casugay na piniling magligtas ng buhay kaysa sa medalyang gintong karangalan, siya’y pinapurihan sa Malakanyang hindi lamang ng ating Pangulong Duterte kung hindi ni Pangulong Joko Widodo ng bansang Indonesia.

Sa mensaheng ipinadala ni Widodo kay Casugay, sinabi nito: “Winning the competition and upholding sportsmanship is important, but humanity is above all. My appreciation is for Roger Casugay, a Filipino surfer who gave up the golden opportunity to help an Indonesian athlete who fell in the race.”

Si Casugay ay binansagang “Fair Play Athlete” ng 30th SEA Games dahil sa ipinakita nitong kabayanihan at pagiging maginoo sa larangan ng palakasan ng ating pamahalaan.

Samantala, ako’y umaasa pa rin na bagamat nakamit ng bansa ang karangalan sa palakasan, sana’y hindi nito mababago ang ipinangako ni Pangulong Duterte na pag-iimbistiga sa kapalpakan ng ilang opisyales sa SEA Games na bagamat bilyun-bilyong pisong salapi ang inilaan para dito, nagkaroon parin ng aberya pagkatapos magreklamo ng mga manlalarong banyaga at opisyales nito sa transportasyon, sa mga hotel, at pagkain sa mga unang araw ng kompetisyon.

Pero dahil sa babala ng Pangulo sa nangyari, ang sumunod na mga araw ay parang naging langit sa mga manlalaro at mga opisyales nito. Bumaha ang mga sasakyan, dumami at sumarap ang pagkain. At higit sa lahat, naging maayos ang mga hotel na tulugan.Lumabas rin ang bilyun-bilyong gastusin! At sa mga korakot sa gobyerno, kuwarta na naging bato pa!

Napag-alam namin na sa ibang bansa na nagkaroon ng SEA Games, sa mga paaralan ang tulugan ng manlalaro at sila rin ang gumagastos sa kanilang transportasyon.

Dito sa atin, naranasan nila ang ating pagiging maalalahanin at mapagbigay na alam kong dala-dala nila sa pagbabalik sa kani-kanilang bansa.

Pero kung hindi matutuloy ang imbistigasyon, Ginoong Pangulo, malamang na magpapatuloy parin ang nakawan sa mga susunod na palaro dahil nakapalibot parin ang mga magnanakaw sa iyong nasasakupan!

-o0o-

In its session last Tuesday, the City Council approved on second reading an ordinance criminalizing driving without license.

Authored by Third District Councilor Conrado Baluran, the ordinance imposes criminal charges on motorists driving without license.

Violators will be fined P1,000 or imprisonment of 10 days or both, at the discretion of the court for the first offense; P3,000 or imprisonment of 15 days or both, at the discretion of the court for the second offense; And for the third offense, the violator will be fined P5,000 or imprisonment of 30 days or both, at the discretion of the court.

About time our law must be hard on abusive drivers who deserve to be treated like criminal as they endanger the lives of their passengers and other people for unauthorized driving.

Congratulations, Councilor Baluran!

-o0o-

Through this corner, I am extending my advanced Merry Xmas and a Prosperous New Year to everyone! May the God Almighty will always be with us all!

-o0o-

House and lot at posh Damosa Fairlanes is for assume from the bank. Contact 09156987421 or 2952039 if interested.

Author

Powered By ICTC/DRS